Lani, kumakapit lang sa diyos

“Taking one day at a time,” sabi ni Cong. Lani Mercado nang kumustahin namin si former senator Bong Revilla sa kanya noong babang-luksa ni Nay Lolit Solis, Biyernes ng tanghali.
Basta aniya, kumakapit siya sa Panginoon.
Break ang congress ngayon kaya naka-focus aniya sa trabaho sa district.
Habang three times a week siyang dumadalaw sa kulungan, Quezon City Jail, ng dating pulitiko/aktor.
“Pag andun ako dapat pleasant ka, ang bigat ng mundo ‘wag mong dadalhin doon,” sabi pa ni Cong Lani.
Last week ay sinabi ng mga prosecutor na si dating Department of Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan ay pinag-aaralang maging saksi sa kasong malversation na isinampa laban kay former Sen. Bong sa Sandiganbayan Third Division.
Sa ngayon ayon kay Cong. Lani ay waiting lang sila at todo ang pagdarasal dahil alam naman nila ang katotohanan.
At hindi naman aniya nagpapabaya si Sen. Bong sa kanyang katawan.
Nag-e-exercise raw ito, “Alam mo naman ‘yun, hindi nawawala ang exercise, buhay niya na ‘yun,” pakli pa ni Cong. Lani.
- Latest
























