^

Metro

PNP: Illegal assembly sinisilip sa INC rally

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP: Illegal assembly sinisilip sa INC rally
Police push back members of the Iglesia ni Cristo (INC), while several protesters are handcuffed, after thousands of church members staged an unannounced rally in support of Senator Rodante Marcoleta and occupied the northbound lanes of EDSA on June 30, 2026 triggering heavy traffic across major roads in Metro Manila during the morning rush hour.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na pinag-aaralan na nila ang posibleng paglabag ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act kaugnay ng mga isinagawa nilang rally nitong Martes na walang kaukulang permit.

Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Allen Rae Co, sinusuri pa ng pulisya ang mga pangyayari upang matukoy ang pananagutan ng mga organizer at kung anong mga kaso ang maaaring isampa.

Sinabi ni Co na ­hindi ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng legal na hakbang ang PNP kaugnay ng paglabag sa naturang batas. Nauna nang inirekomenda ng pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa siyam na indibidwal na sangkot sa Labor Day rally sa Kalaw Avenue noong Mayo dahil sa umano’y paglabag sa Public Assembly Act.

Isinagawa ng INC ang mga pagtitipon sa People Power Monument sa Quezon City at Liwasang Bonifacio sa Maynila bilang suporta umano kay Senador Rodante Marcoleta, na nahaharap sa posibilidad na masampahan ng kasong plunder kaugnay ng umano’y ­hindi idineklarang campaign donation noong 2025.

Samantala, hindi bababa sa tatlong katao ang inaresto matapos umanong manakit ng mga pulis nang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga raliyista at mga awtoridad sa isa sa mga lugar ng pagtitipon.

Giit pa ni Co, pinag-aaralan din ng PNP ang pagsasampa ng kasong direct assault at iba pang kaukulang reklamo laban sa mga naaresto, depende sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Binigyang-diin ng PNP na patuloy nitong igagalang ang karapatan ng mga mamamayan sa mapayapang pagtitipon, ngunit igigiit din ang mahigpit na pagpapatupad ng umiiral na mga batas upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan at kapayapaan sa mga pampublikong lugar.

INC

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with