Mike Defensor kakasuhan ng human trafficking
MANILA, Philippines — Sasampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking si dating Cong.Mike Defensor kaugnay sa naging pagsalakay sa KTV bar, sa Pasig City dahil sa sexual exploitation.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na ang mga ebidensyang nakalap ng isinagawang imbestigasyon ay nagpapakita na may kinalaman si Defensor sa naturang ilegal na gawain ng KTV Bar.
“It appears that Mike Defensor was indeed involved in this matter,” ani Matibag.
Una nang itinanggi ni Defensor ang paratang sa pagsasabing isang “politically motivated” ang pagdadawit sa kanya.
Matatandaan na ang kanyang mag-ina na sina Julie Rose Defensor at Miguel Gabriel Defensor ay kabilang sa 16 na indibidwal na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) kasunod ng raid sa Chicago Night Club at Bleu Hotel sa Pasig noong Abril 21, 2026.
Nasagip ang 54 babae na pawang biktima ng human trafficking at sex exploitation, na karamihan ay mga single mother at ang mga edad ay hindi lalagpas sa 25.
- Latest





















