^

Pang Movies

Coco, pilay ‘pag wala si Julia!

Gorgy Rula - Pang-masa
Coco, pilay ‘pag wala si Julia!
Coco at Julia
STAR / File

Sa June 22, Lunes na magsisimula ang Sigabo nina Coco Martin at Julia Montes.

“Kung medyo na-delay nang konti, nung nakita po namin siya, sabi nga namin, para ba kaming may reason pala kung bakit nahinto kami nang konti,” pahayag ni Coco nang mag-renew siya ng kontrata niya bilang brand ambassador ng Regasco.“Kundi para makapagpahinga, makapag-recharge at mas mabusisi namin iyong proyekto. At ngayong ine-edit na namin at nakita ko na po lahat ng mga kinunan namin, sobra akong haping-happy at sobra akong proud na proud.

‘“Kaya talaga pong ‘yung ine-expect po ng mga tao, ibibigay po namin ‘yun. Deserved ng lahat ng mga Pilipino na kung ano man ‘yung paghihintay na naranasan nila after Batang Quiapo, eto po, sinisigurado po namin na magugustuhan ng lahat ng mga Pilipino,” saad ni Coco.

Ipinagpasalamat din ito ng actor, dahil tuluy-tuloy ang pagsasama nila ni Julia.

Hindi kagaya nung dati na sa bahay lang sila pag-uwi galing trabaho sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap sa mga nagawa niya sa buong araw. Ngayon ay magkasama sila sa Sigabo, at ang latest nga pati sa endorsement ay magkasama pa rin sila.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalim daw ang pagsasama nilang dalawa. Ani Coco, “Ako share ko lang. Kaya siguro tumagal ‘yung relationship namin, una siyempre kami... dati pa ‘to e. Lagi kaming pinag-uusapan na parang sila na yata e. ganyan-ganyan. Kasi, talagang kineep namin na private ‘yung relasyon namin. Kasi, alam naman natin sa show business ‘di ba? Kapag marami nang pumapasok, o marami nang nakikialam sa personal n’yong buhay, dun minsan nagkakaroon ng problema. Which is kami natutunan namin, sabi ko nga sa haba ng proseso, pinaka-key ‘yung marespeto kami sa isa’t-isa.

“Kasi, sabi ko nga, ‘yung pagmamahal kasi minsan, ‘pag bago kayo, matindi e ‘di ba? Kumbaga, bugso ng damdamin e. Pero ‘pag wala kayong respeto sa isa’t-isa, later on magpe-fade ‘yun. Kami ngayon, sabi ko nga, ‘yung respeto at saka suportahan ng isa’t-isa, ‘yun ‘yung pinaka-sikreto namin. Kaya ‘yung pagmamahal namin, mas tumitindi. Sinasabi ko nga, ‘yung iba ‘pag bago, ang tindi ng pagmamahal sa isa’t isa. Kapag tumatagal nawawala. Kami, baligtad.”

Kaya sila lang daw ang laging magkasama, hindi siya ‘yung tipong lumalabas kasama mga barkada. Pakiramdam daw niya kasi, parang napipilay siya kapag hindi niya kasama ang karelasyong aktres.

“Sabi ko, ngayon sa parte ng buhay, ‘pag tiningnan n’yo po ako ngayon, halos iba e. May mga kaibigan ako, pero wala ako ‘yung barkada na makikita n’yo na nasa circle ko or gumigimik ako o lumalabas ako. Si Julia ang lagi kong kasama sa kahit anong trabaho ko, sa lahat na mga meetings ko. Kung meron akong shoot na commercial, siya ang laging lahat. Kasi ang feeling ko, ‘pag wala siya para akong napipilay e.

“As in ‘pag nandiyan siya, nalagay ko sa isip ko na parang nagkakaroon ako ng extra ng lakas ng loob. Lalo na ‘pag may mga tanong na mga English na ano ang ibig sabihin dun... ‘Yun ‘yung bali namin. Kaya ang sabi ko, ‘yung kahinaan ko, ‘yun naman ‘yung kalakasan niya. Kaya sabi ko nga, ngayon dun ako proud na proud na lalung-lalo na, na ngayon nasa Sigabo kami. Nasa isang proyekto kami, may gagawin pa kasi kaming pelikula e. Kaya ang sabi ko nga po, sobra-sobra talaga ‘yung biyaya na ibinibigay sa amin ng Panginoon,”mahabang pahayag pa ni Coco Martin.

COCO MARTIN

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with