^

Pang Movies

Gwyneth Paltrow kinabog ang mga pinoy sa pagluluto ng Pork Tocino

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gwyneth Paltrow kinabog ang mga pinoy sa pagluluto ng Pork Tocino
Gwyneth Paltrow

Bongga si Gwyneth Paltrow na nagluto ng Pork Tocino, isang paboritong almusal nating mga Pilipino.

Makikita nga sa Instagram ng Hollywood actress at negosyante ang isang reel nagluluto ng Pork Tocino sa kanyang kusina.

Pero iba ang style niya ng pagluluto, na mas healthy, hindi processed, at mas masarap kasama ang mga gulay-gulay rito.

“Tried my hand at making pork tocino this morning—sweet, savory, and incredibly flavorful. Brad requested cauliflower rice for a carb light #boyfriendbreakfast,” buong caption niya.

Kaya naman ang dami nitong komento na galing siyempre sa mga kababayan natin.

Kaya asahan na darami ang followers na Pinoy ni Gwyneth Paltrow.

PBB, kakaloka ang mga drama

Kaloka ang PBB ngayon. Parang ang daming kadramahan.

Bumuhos nga ang iba’t ibang emosyon sa nagdaang weekend sa loob ng Bahay ni Kuya.

Una nang lumabas ng bahay ang celebrity houseguest na si Michelle Dee. Lubos na nagpasalamat si Michelle sa mga natutunan at mga nabuong pagkakaibigan sa housemates. At nakalulungkot din na hindi napagtagumpayan ng mga housemates ang kanilang weekly task.

Bago naman humarap sa ikalawang nominasyon, ang mga housemates ay nagkaroon sila ng unang Duo Battle kung saan ang mananalong duo ay magkakaroon ng immunity. Bilang bagong housemates, hindi kasali ang duo nila Emilio Daez and Vince Maristela.

Nanalo naman ang MiBi duo nina Mika Salamanca at Bianca De Vera kung kaya’t ligtas din sila. Naibahagi ni Mika sa confession room kung bakit mahalaga na manalo sa battle, “Kaming dalawa ni Bianca ‘yung pinaka-last sa botohan ng hindi pagpapakatotoo. Sobrang importante ng immunity para sa peace of mind namin.”

Napapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab gabi-gabi sa GMA Prime!

Sana nga ay mas dumami pa ang manood nito para tumagal pa sa ere.

GWYNETH PALTROW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with