^

Pang Movies

Nonoy, binuhay ang mga pinasikat na kanta

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Nonoy, binuhay ang mga pinasikat na kanta
Dr. Nonoy Zuñiga
STAR/File

Music icon and hitmaker Dr. Nonoy Zuñiga staged his 50th anniversary sold-out concert sa Newport Performing Arts Theater in Newport World Resorts in Pasay City last Friday, Sept. 5, 2025 na pinamagatang Beyond Gold: Songs of A Lifetime na pinamahalaan ni Calvin Neria with Bobby Gomez as musical director habang si Noel ­Ferrer naman ang sumulat ng script.

The concert was jointly produced ng Echo Jham Entertainment Production, DMC Philippines and Ponti Entertainment Productions.

Naging special guests ni Nonoy sina Kuh Ledesma, Rey Valera, Marco Sison at Lani Misalucha. Maging ang dalawa sa kanyang mga kapatid na sina Zebedee at Zoe. Nagsilbi namang front acts sina Andrea Gutierrez, Raymond Gorospe at Isha Ponti.

Masuwerte si Nonoy dahil hanggang ngayon ay buhay at malakas pa ang kanyang ina (93) at nasa front row para panoorin ang kanyang 50th anniversary concert.

Bilang tribute sa kanyang ina ay inawit niya ang tatlo sa mga paboritong kanta kapag siya’y pinatutulog when he was still a baby, ang Moon River, Fascination at I Left My Heart In San Francisco na sobrang in-enjoy ng kanyang mom.

Bago siya nag-solo ay naging bahagi siya ng Family Birth Control Band na madalas nagpi-perform sa mga hotel lounge including Philippine Plaza Hotel kung saan siya naging biktima ng bombing incident at naputol ang kanyang isang paa. He is an amputee. Pero hindi ito naging hadlang para hindi niya ipagpatuloy ang kanyang pagkanta at pag-aaral ng Medicine sa University of Sto. Tomas kung saan siya nagtapos.

Sa kabila ng pagiging doctor niya ay mas pinaboran niya ang musika.

Samantala, sobrang nag-enjoy ang crowd nung concert ni Nonoy dahil kanyang inawit ang halos lahat ng kanyang mga pinasikat na awitin tulad ng Kamusta Ka?, Doon Lang, Araw-Gabi, Love Without Time, Live for Love, Fragments of Forever, Init sa Magdamag at iba pa.

Serye nila Kathryn, lihim pa ang kuwento

Alam mo, Salve A., ngayon pa lamang ay inaabangan na ng mga manonood sa telebisyon ang primetime comeback nina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador in their first team-up together sa kanilang upcoming TV series.

First time na magkakasama-sama ang tatlo sa isang kakaibang serye na ayaw pang i-reveal ang titulo pero nagsimula na silang mag-taping.

Except for Maja na meron nang sariling pamilya at anak na si Maria sa kanyang non-showbiz husband na si Rambo Nuñez, sina Kathryn at James ay pareho na ring hiwalay sa kanilang respective ex-partners at dating ka-loveteam although may bagong partner na ngayon ang Fil-Australian singer-actor, ang nakababatang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman.

Kathryn remains single hanggang ngayon matapos hindi mag-prosper ang inaasahang relasyon nila ng Kapuso-prized actor na si Alden Richards, ang kanyang kapareha sa pelikulang Hello, Love, Goodbye and its sequel, ang record-breaking movie na Hello, Love, Again.

DR. NONOY ZUñIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with