^

Bansa

PNP sa mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing: Sibak kayo!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala muli si Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa mahigit 227,000 malakas na puwersa ng kapulisan na masisibak sa serbisyo kapag nasangkot sa indiscriminate firing kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni Azurin na sinumang mga pulis na magi­ging pasaway ay ikakalaboso na mahaharap sa kasong administratibo at kriminal na kapag napatunayang guilty ay masisibak sa serbisyo.

“To our Police officers, I am once again reminding you that administrative sanctions will be filed against those who will be caught in unofficial use or firing their firearms indiscriminately”,pahayag ni Azurin.

Binigyang diin ng PNP Chief na bilang mga pulis ay dapat mabuhay sa ilalim ng mandato ang bawat PNP officers at personnels na biyang protektahan at magligtas ng buhay ng mamamayan sa lahat ng oras na hinihingi ng pagkakataon.

Sa ilalim ng Ligtas Paskuhan 2022 ng PNP, bawal masangkot ang mga pulis sa indiscriminate firing gayundin ang iba pang mga law enforcement agencies at maging ang mga sibilyan.

Pinapurihan naman ni Azurin ang PNP personnels sa masigasig ng mga itong pagtatrabaho para umiral ang peace and order sa buong panahon ng ‘holiday season’ na nais nitong magpatuloy sa susunod na taon.

“Sa mga kababayan natin, patuloy po ang panawagan namin na iwasan po natin ang gumamit ng mga ilegal na paputok para maging ligtas ang ating bagong taon”, dagdag pa ni Azurin.

Samantalang patuloy rin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkooperasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Health at iba pang mga ahensya upang mabawasan kundi man tuluyang masupil ang paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with