Eardrum ni Andrea, pumutok sa dagat!

Isang unforgettable experience para kay Andrea Brillantes ang nangyari sa kanya sa Oslob, Cebu habang nagsu-shoot ng kanyang bagong pelikulang Laya kamakailan.
Sa isang recent interview, ikinuwento ng aktres na pumutok ang kanyang eardrum habang kinukunan freediving scene niya sa ilalim ng dagat, kung saan makikita ang mga butanding o whale sharks na kilala sa Oslob.
“Kailangan kong abutin ‘yung mga butanding, and minsan, may malalaking butanding na ang lalim,” tsika niya.
Bagama’t may nalalaman na siya about freedriving dahil nag-take na raw siya ng lesson noong pre-pandemic days, inamin niyang medyo natatakot din siya habang kinukunan ang scene.
“Nakakatakot nun’g time na ‘yun, bago rin ‘yung piercing ko pa no’n, and medyo hirap ako kasi tinahi ‘yung braids sa ulo ko. Basta ang daming mga complications, pero pinush ko pa rin,” aniya.
At dito na nga raw nangyari ang aksidente.
“Hanggang sa narinig ko na talagang pumutok ‘yung tenga ko,” kwento niya.
“Ta’s akyat ako. Naalala ko, medyo na-nose bleed pa yata ako. Ta’s talagang sobrang sakit ng tenga ko. Tawag ako agad sa Mama ko kasi, nagpa-panic ako. ‘Mama, mama, parang pumutok ‘yung tenga ko, anon’g gagawin ko? Hindi ko na yata kaya bumaba,’” lahad ng aktres.
“Ta’s ang mahirap doon, kailangan naka-float lang ako, tapos kailangan wala akong goggles,” patuloy pa niya.
Ang naturang challenging moment ay makikita rin sa official trailer ng pelikula.
Sa mga hindi nakakaalam, ang nanay ni Andrea na si Belle ay four-time national champion freediver and national record holder representing the Philippines.
Kwento ni Blythe (Andrea’s real name), “actually, sabay po talaga kaming nag-freedive ni Mama, pre-pandemic ‘yun, I was 16.
“And ako talaga ‘yung unang natuto sa amin ni Mama. Pero kasi siyempre, Kadenang Ginto nun’g panahon na ‘yun, super na-busy ako. Si Mama, na-pursue niya talaga ‘yung freediving,” pagbabahagi ng aktres.
BINI Gwen, hindi na nakatiis sa kahirapan ng bansa
Hindi napigilan ng BINI member na si Gwen Apuli na ilabas ang kanyang saloobin tungkol sa kalagayan ng Pilipinas, partikular sa political system at mga problemang kinakaharap ng ordinaryong mamamayan pagdating sa public transportation.
Sa isang livestream sa BINI Weverse Live, tapat na ibinahagi ng singer ang kanyang frustration sa mabagal na pag-abot ng mga Pilipino sa mas maayos at komportableng pamumuhay, sa kabila ng matagal na nilang paghahangad ng pagbabago.
Ayon kay Gwen, nakalulungkot isipin na ang ilang serbisyong itinuturing na normal at accessible sa ibang bansa ay nananatiling mahirap makamit dito sa Pilipinas.
“Hay, I love the Philippines but matagal na nating deserve yung ‘better,’ ganu’n,” ani Gwen.
“At parang hays, kailan ba ’yan? Kailan ba natin maa-achieve ’yan? Na parang normal lang siya sa ibang bansa, pero sa atin, parang ang taas-taas niya, ang hirap niyang mangyari,” dagdag pa niya.
Bukod sa kanyang hinaing tungkol sa kalagayan ng bansa, binigyang-diin din ni Gwen ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa pagpili ng mga lider.
“Nai-stress ako sa Pinas, sa sistema natin… Kaya bumoto nang tama. Bumoto nang tama,” sey niya.
Isa rin sa isyung binigyang-pansin ni Gwen ang public transportation sa Metro Manila, partikular ang mahahabang pila sa MRT at LRT stations tuwing rush hour.
“Pati public transpo, guys, naiisip n’yo ba ’yon? Ang haba ng pila sa MRT and LRT. Samantalang sa ibang bansa, may bansa nga akong nakita, libre Wi-Fi sa paligid, libre ang transpo. Tapos dito, jusko po, male-late ka na lang talaga,” saad niya.
“Kapag bumagyo, wala, ’di ka makakapagtrabaho. Grabe, kapag nakikita ko ’yong rush hour, tapos ang haba ng pila, ’di ba?” dagdag pa niya.
“Imbes na nakakapagpahinga ka na, overworked ka na nga, tapos pipila ka pa nang napakahaba sa MRT,” hinaing pa ni Gwen.
- Latest





















