^

Bansa

Palasyo, nagbabala sa posibleng forest fires sa Super El Niñ’o

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Hinimok ng Palasyo ang publiko na maging mas maingat at makipagtulungan sa pamahalaan upang maiwasan ang mga forest fire o sunog sa kagubatan habang naghahanda ang bansa sa posibleng epekto ng El Niño.

Sa isang Palace press briefing, sinabi ni Civil Defense Undersecretary Harold Cabreros na mahigpit na mino-monitor ng pamahalaan ang iba’t ibang epekto ng matinding init, kabilang ang inaasahang pagdami ng mga sunog sa kagubatan.

“One of which, ang nakikita natin ay magkakaroon ng increase ng forest fires,” ani Cabreros.

Ayon sa opisyal, mahalagang makiisa ang publiko sa mga hakbang ng pamahalaan, lalo na sa pagtitipid sa tubig at enerhiya at sa pangangalaga sa mga pinagkukunan ng kabuhayan habang nararanasan ang epekto ng matinding tagtuyot.

Binigyang-diin ni Cabreros na maaaring makaapekto ang forest fires hindi lamang sa mga kagubatan kundi maging sa sektor ng agrikultura, kaya mahalaga ang pag-iingat at maagap na pagtugon sa anumang insidente ng sunog.

CIVIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with