^

Bansa

Mobile broadband monitoring, hindi lang sa NCR — NTC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mobile broadband monitoring, hindi lang sa NCR — NTC

MANILA, Philippines — Nilinaw ng National Telecommunications Commission (NTC) na regular nitong isinasagawa sa buong bansa ang mobile broadband speed validation sa pamamagitan ng mga regional office nito.

Sa bagong pahayag, sinabi ng NTC na hindi limitado sa National Capital Region (NCR) ang enforcement action laban sa mobile network operators (MNOs). Kada quarter, ipinapaalam ng Komisyon sa mga operator ang mga barangay na napatunayang walang signal o mahinang signal, at inaatasan ang mga ito na magsagawa ng kinakailangang network improvements.

Tinatapos na rin ng NTC ang buong resulta ng September 2026 revalidation at maglalabas ng Show Cause Orders (SCOs) at daily penalties sa mga lungsod at munisipalidad sa NCR at iba pang rehiyon na may mataas na bilang ng mga lugar na walang signal o mahina ang signal.

Sa ilalim ng NTC Memorandum Circular No. 001-01-2026, kailangang sumunod ang mga kumpanyang saklaw ng regulasyon, kabilang ang mga mobile network operator, sa itinakdang quality-of-service standards.

Sinabi ng NTC na layunin ng mga hakbang na ito na matiyak ang maaasahan, mas mabilis, at agarang tumutugon na telecommunications services para sa mga Pilipino, alinsunod sa mandato ng Public Service Act.

TELECOMMUNICATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with