^

Probinsiya

4 patay, 19 sugatan sa BARMM polls!

John Unson, Joy Cantos, Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
4 patay, 19 sugatan sa BARMM polls!
Pinagsisira ng mga galit na Moro partisans ang dalawang naka-park na SUV na pag-aari ng kalabang partido sa BARMM elections malapit sa polling site ng Sero Elementary School sa Sinsuat Avenue sa kasagsagan ng halaan kahapon sa Cotabato City.
Ulat at kuha ni John Unson

Supporters ng 2 kandidato nagsagupa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na apat na katao ang patay habang 19 na iba pa ang sugatan sa naitala nilang mga insidente ng karahasan, na may kinalaman sa idinaos na kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kahapon.

Sa pulong balitaan sa Comelec Command Center sa Cotabato City, kinumpirma ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na ang tatlo sa mga nasawi at 15 sa mga sugatan ay bunga ng insidente ng barilan sa isang paaralan sa Cotabato City.

Kabilang sa mga nasawi ay ang 88-anyos na si Edar Kasan Andong ng Brgy. Bagua 2 ng lungsod. Ang dalawa pa ay pawang nasapol ng mga tama ng bala sa  katawan na kanilang agarang ikinamatay.

Ayon kay Captain Steffi Salanguit, Spokesperson ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), nangyari ang pamamaril sa pagitan ng alas-11:40 hanggang alas-11:55 ng gabi, bisperas ng halalan, sa harapan ng Datu Usman Mampen Elementary School na nagsisilbing polling precinct sa Barangay Bagua 2, Cotabato City.

Ayon kay Salanguit, dalawang grupo ng mga kalalakihan ng mga tagasuporta ng magkalabang partido pulitikal ang nasa harapan ng nasabing paaralan nang nagkainitan. Nakalinya o nakapila umano ang mga lalaki para maagang makaboto sa BPE nang bigla umanong magkantiyawan na nauwi sa pikunan hanggang sa magkabarilan.

Humupa lamang ang bakbakan ng magkabilang grupo matapos na magresponde ang mga pulis at sundalo sa nasabing lugar. Narekober dito ang mga basyo ng bala ng cal. 45 at 9mm pistols.

Samantala, isang indibidwal ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan sa karahasang sumiklab sa Pilot Central Elementary School sa Cotabato City. 

Nag-ugat umano ang gulo sa batuhan ng akusas­yon ng magkalabang partido sa lugar.

Sugatan ang isa pa matapos na sumabog ang dala naman niyang improvised explosive device (IED).

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with