Piso vs dolyar, sadsad sa P62.68

MANILA, Philippines — Naitala nitong Miyerkules ng umaga, Setyembre 2, ang pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar sa P62.68/$1 sa intraday trading.
Nalampasan ng piso ang dating record close na P62.40/$1 noong Martes, Setyembre 1.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mahigpit nilang binabantayan ang foreign exchange market matapos basagin ng piso ang P62 barrier noong nakaraang Biyernes, nang bumagsak ito sa P62.265/$1 noong Agosto 28.
Ayon sa ulat, pangunahing dahilan ng pagbagsak ang global demand sa dolyar, patuloy na pangamba sa merkado at mga panganib sa ekonomiya kaugnay ng langis.
Kabilang sa epekto ng mahinang piso ang pagmahal ng imported goods gaya ng gasolina at pagkain, na maaaring magpalala ng inflation; at mas mataas na remittance value para sa mga pamilya ng OFWs, dahil mas malaki ang katumbas ng bawat dolyar na ipinapadala.
- Latest


















