Host/actress, ayaw pa-interview sa gay host
AYAW palang magpa-interview ng isang host-actress sa isang acclang host!
Maayos namang tingnan si acclang host! Pero may narinig na raw na horror stories ang aktres sa nasabing host.
Kinukuha nga raw ang aktres para ma-interview pero nang malaman ni aktres na si accla ang kakausap sa kanya, sagot ng aktres, “No way!”
Kukuha pa kami ng dagdag na detalye para malaman kung bakit ayaw ni aktres kay accla!
Will, sumakses sa pagkanta
SUMAKSES din ang pagsabak sa recording ng Sparkle artist na si Will Ashley!
Aba, ang debut single ni Will na Paborito na composed niya with Maki ay naging number 1 sa iTunes Philippines.
Bahagi ang kanta sa una niyang album na Liham na magkakaroon ng launching sa Sept. 20 sa SM North Edsa Skydome.
Mapapanood din si Will sa series na Delivery Boi with Mika Salamanca.
Kasama rin siya sa GMA Pictures’ 2026 Metro Manila Film Festival entry, Amir.
Stell, nakagawa ng music video sa NY
NEW Yorker ang dating ni Stell ng SB19 sa ginawang music video na para sa bago niyang single na Crazy!
Kaya naman pala sa kanyang Facebook post, capture na capture ang hindi natutulog na New York City!
Eh para sa promotions ng Crazy, magkakaroon ng live showcase si Stell sa YouTube channel ng 1Z Entertainment na kanyang management.
Bale second single na ni Stell ang Crazy dahil last 2024 ang una niyang single na Room na ginawa ng National Artist na si Ryan Cayabyab.
- Latest



















