^

Punto Mo

Dapat mong malaman para sa mas malusog na katawan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Nakakataas ng blood pressure ang pag-upo ng naka-cross legs.

• Mainam na lumabas at magpaaraw tuwing umaga. Ang kakulangan sa sunlight ay nagiging sanhi ng mood swing at depresyon.

• Ang chapped lips ay senyales na kulang ang katawan mo sa nutrisyon.

• Ang hot shower ay nakakababa ng blood pressure.

• Ang pag-inom ng maligamgam na tubig na may turmeric sa umaga bago kumain ay nakaka-improve ng digestion at nakakalinis ng liver.

• Hindi rin magandang maging pure vegan. Balansehin ang gulay, prutas at karne sa ating diet. Ang ating katawan ay naghahanap ng nutrient-dense, bioavailable foods kagaya ng itlog, gatas at red meat. Ang mga pagkaing ito ang bumuhay sa ating mga ninuno kaya nanatili silang malakas at malusog. Ang pagtanggal ng karne sa ating daily diet ay parang gusto mong magsiga ng apoy pero wala ka namang kahoy.

• Laging kumain ng natural purplish color foods: ube, purple cabbage, purple na kaimito, purple na camote, red wine, grapes, blueberries, sibuyas na pula or purple, lipute, duhat. Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa polyphenols na pumipigil sa sakit sa puso at Alzheimer’s disease.

• Pinoprotektahan ng potassium ang ating ugat na mabarahan ng “fats” mula sa mga pagkaing masebo. Kaya kumain ng mayaman sa potassium: kamote, kamatis, beans, yogurt, clams, prunes, carrot juice, molasses, isda, soybeans, melon, pakwan, saging, gatas, orange juice, etc.

PRESSURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with