^

True Confessions

Apoy sa Balsa (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ALAS-SIYETE ng umaga sa corporate headquarters ng fast-food chain. Naka-set up na ang malaking LED screen sa gitna ng boardroom. Si Rhea, kasama si Ms. Agatha at ang tatlong senior creatives ng ahensya, ay maagang dumating para sa pinakamahalagang Quarterly Brand Review ng taon.

Nang bumukas ang double doors ng glass room, pumasok si Marco kasama ang Head of Marketing ng kumpanya.

“Good morning, team,” malamig at maayos na bati ng Marketing Head habang umuupo sa kabila ng dulo ng mesa.

Nakatayo si Rhea sa gitna, hawak ang clicker ng presentation. Nag-umpisa siyang mag-present. Ipinakita niya ang mga graph ng sales, ang pagtaas ng engagement sa social media, at ang matagumpay na pagtanggap ng publiko sa bagong billboard ni Kael sa EDSA.

Sa buong dalawang oras ng presentasyon, hindi nagbigay si Marco ng kahit anong pahiwatig tungkol sa insidente sa condo.

Nakatitig lang ito sa presentation deck, paminsan-minsang nagsusulat sa kanyang binder, at tumatango kapag nagpapaliwanag si Ms. Agatha. Ni isang beses ay hindi ipinaramdam ni Marco na may nakita siyang anumang hindi pangkaraniwan sa ika-labing-apat na palapag ng condo noong nakaraang umaga.

Walang pasaring. Walang pahiwatig. Walang kakaibang tingin. Iyon ang mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ni Rhea.

“Overall, the numbers are exceptional,” panimula ng Marketing Head matapos ang slide. Binalingan nito si Marco. “Marco, do you have any notes on the talent’s performance?”

Dahan-dahang itinaas ni Marco ang kanyang tingin mula sa binder. Tinitigan niya si Rhea nang seryoso. (Itutuloy)

EDSA

LED

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with