^

Pang Movies

SB19, pasabog sa Lollapalooza

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
SB19, pasabog sa Lollapalooza
SB19

Nakatanggap ng napakaraming suporta at papuri ang P-pop group na SB19 sa kanilang historial debut performance sa Lollapalooza Music Festival sa Chicago, USA na dinayo ng mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng Amerika na may mga dalang bandila ng Pilipinas.

Sila ang kauna-unahang Pinoy group na nakapag-perform sa Lollapalooza.

Inumpisahan ng SB19 ang kanilang halos isang oras na set ng kanilang hit song na DAM.

Kinanta rin nila ang kanilang mga hit track na Gento, MAPA, Wakas, VISA, Dungka, CRIMZONE, ganundin ang kanilang cover ng Mga Kababayan ni Francis Magalona.

Ipinarinig din ng grupo ang kanilang latest single na Lawless, na inilabas ilang oras bago ang kanilang debut festival.

Habang nagsama-sama naman ang mga A’TIN sa watch party ng Department of Tourism sa Luneta Park. At sinindihan din ang Rizal Monument ng asul bilang pagpupugay sa grupo na pinakabagong tourism ambassador ng Pilipinas.

Bukod sa Luneta may ibang area pa na may watch party.

Kaya naman may nawestyon kung ba’t mas marami silang watch party. Eh kasi hindi lang ng fans ay may app ng DisneyPlus.

Anyway, bago ang kanilang debut sa Lollapalooza, itinampok ang SB19 sa Global Spin Live ng Grammy Museum at sa laro ng Chicago White Sox laban sa New York Yankees, kung saan ang miyembro nilang si Josh, ang naghagis ng ceremonial pitch.

“It was an honor to represent the Philippines once again, this time on a different stage as the first pitch field representative for SB19?

“Thank you, White Sox, for the incredible opportunity and warm welcome!,” post ng grupo sa kanilang Facebook account.

Pinaghahandaan naman ngayon ng SB19 sa pagpasok nila lineup para sa kauna-unahang KPOPWORLD Festival sa Alamodome sa San Antonio, Texas, bilang ang nag-iisang non-Korean act.

Tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng mga Pinoy pop sa international music scene.

Nauna na ring nag-perform ang BINI sa Coachella in April.

SB19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with