^

Bansa

Uswag Ilonggo solon, pinaaaresto sa graft case

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng warrant of arrest at hold departure order ang Sandiganbayan 3rd Division laban kay Uswag Ilonggo Party-list Rep. Jojo Ang kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa umano’y conflict of interest sa ilang infrastructure projects.

Batay sa desisyon ng graft court, nakakita ito ng probable cause para idiin si Ang sa kaso alinsunod sa Section 5, Rule 112 ng Revised Rules of Criminal Procedure.

Ayon sa Office of the Ombudsman, 14 counts ng graft ang isinampa laban kay Ang dahil sa umano’y koneksyon niya sa isang construction firm. Habang nakaupo sa Kongreso, nakakuha umano ang natu­rang kumpanya ng P214 milyong kontrata mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at nabayaran ng halos P199 milyon.

Bukod kay Ang, ipinag-utos din ng Sandiganbayan 3rd Division ang pag-aresto kay dating Sultan Kudarat 2nd District Rep. Arnulfo Go, dating Sultan Kudarat Mayor Dionesio Besana, at municipal employees Allan Bayani at Mario Labrador. Ang mga ito ay nahaharap sa kasong malversation na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Noong Nobyembre 27, 2025, kinasuhan ng malversation sina Go at mga kapwa akusado, na pawang naisyuhan din ng hold departure orders.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with