^

Pang Movies

Kelsey Merritt, split na agad sa Hollywood actor

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kelsey Merritt, split na agad sa Hollywood actor
Kelsey Merritt at Chace Crawford

Hindi pa man nadadala sa bansa ng Pinay international model na si Kelsey Merritt ang Gossip Girl actor na si Chace Crawford (Nate Archibald) pero ayon sa usap-usapan sa Hollywood, break na raw ang dalawa.

More than a year din daw tumagal ang relasyon nila ayon sa source ng foreign news outlet na TMZ.

Maayos daw ang kanilang paghihiwalay at nanatili silang magkaibigan nang walang samaan ng loob ayon pa sa lumabas na story sa TMZ.

Ito ay kahit wala silang official confirmation sa nasabing relasyon nila tho nakikita silang magkasama na nagbabakasyon at nagha-hangout sa Los Angeles.

Ex rin ni Kelsey ang Olympic medalist swimmer na si Conor Dwyer bago ang relasyon niya kay Chace.

Maaalalang gumawa ng pangalan si Kelsey noong 2018 bilang unang Pinay model na lumakad sa Victoria’s Secret Fashion Show.

‘Oddest jobs,’ nasa YT na

Ilan sa mga hindi pangkaraniwang trabaho sa bansa ang bibida sa bagong online docuseries ng ABS-CBN News na Philippines’ Oddest Jobs na mapapanood simula Hulyo 28 (Martes) sa YouTube.

Tampok sa bagong online dokyuserye ang kwento sa likod ng mga kakaibang hanap-buhay ng iilang Pilipino, mula sa kanilang pang-araw-araw na kayod hanggang sa mga suliranin na kanilang pinagdaraanan.

Para sa unang episode nito, dadalhin ng dok­yuserye ang mga manonood sa Baseco, Maynila para kilalanin ang ilan sa ginawang hanap-buhay ang pagbabalat ng bawang hanggang sa bawat butil nito—gamit lamang ang kanilang mga kamay. Sa kabila ng pagod at mga sugat na natatamo, ibabahagi nila ang kahalagahan ng kanilang trabaho.

Itatampok din ang kakaibang hanap-buhay bilang slide tester ng isang swimming resort. Masaya man kung titignan dahil sa kanilang araw-araw na pagsakay sa mga nagtataasang water slide, mabigat naman ang responsibilidad nila para tiyaking ligtas ang mga bisitang gagamit nito.

Alamin ang mga hindi pangkaraniwang trabaho sa bansa sa Philippines’ Oddest Jobs uwing Martes, 8 PM sa ABS-CBN News YouTube channel.

Alagang kapatid, tuloy ang pagtulong

Sa loob ng 15 taon, patuloy na naghahatid ng tulong, pag-asa at malasakit ang TV5 Alagang Kapatid Foundation, Inc. sa mga komunidad na nangangailangan.

At sa panahon ng sakuna, karamdaman, at mabibigat na pagsubok, nariyan ang Alagang Kapatid—hindi nakatayo sa itaas, kundi nasa tabi ng mga Pilipino, handang makinig, umalalay at gumabay sa kanilang muling pagbangon.

Sa pagdiriwang ng milestone na ito, muling pinagtitibay ng Alagang Kapatid ang pangakong matagal nang nasa puso ng kanilang misyon: maglingkod sa kapwa, magbigay-lakas sa mga komunidad, at gawing totoong pagkilos ang malasakit. Sa pamamagitan ng relief operations, healthcare assistance, humanitarian programs, at iba’t ibang community initiatives, ipinapaalala ng foundation na walang Pilipinong dapat humarap sa pinakamabibigat na hamon ng buhay na nag-iisa.

Nagsama-sama sa selebrasyon ang mga taong naging mahalagang bahagi ng 15-taong kuwento ng Alagang Kapatid. Dumalo si Alagang Kapatid Foundation Managing Director Menchie Silvestre, kasama ang mga “ninong at ninang” ng foundation, partners, supporters, volunteers, at ilan sa mga beneficiary na buhay na patunay sa tunay na epekto ng kanilang mga programa.

Nakiisa rin sa pagdiriwang sina Media5 COO Dino Laurena; Cignal TV Vice President for Engineering and Industry Relations Erwin Galang; TV5 President and CEO Guido Zaballero; MediaQuest President and CEO Ricky Vargas; TV5 Chief Financial Officer Pierre Buhay; MediaQuestChief People Officer Rolly Santos; at MediaQuest Holdings, Inc. Chief Financial Officer at Cignal Officer-in-Charge Christopher Lizo.

Sa pagsisimula ng panibagong yugto ng Alagang Kapatid, mas lalo nitong binubuksan ang pinto para sa lahat ng gustong makiisa.

Tara. Sama-sama tayong tumulong, magbigay ng pag-asa at manatili sa tabi ng bawat komunidad nanga­ngailangan.

 

KELSEY MERRITT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with