^

PSN Showbiz

Paulo, ‘di nababakante kay Kim!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Paulo, ‘di nababakante kay Kim!
Paulo Avelino.
STAR/ File

Napakasuwerte naman ng Kapamilya actor at The Alibi lead star na si Paulo Avelino dahil siya ang nanalong Outstanding Asian Star (Philippines) sa 2026 Seoul International Drama Awards, ang taunang award-giving body in Seoul, Korea na nagbibigay parangal o pagkilala sa outstanding actor o actress na nagpakita ng significant impact sa nakalipas na taon sa larangan ng telebis­yon na dumaan sa votation na nagsimula nung June 15 to July 15, 2026 mula sa 230 na bansa at regions.

Ang nominees at winners ay nagmumula sa anim na bansa at kasama rito ang Korea, China, Singapore, Thailand at ang Pilipinas.

Mula 2023 hanggang sa taong ito ay may tatlong primetime hit series na tinampukan ni Paulo kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Kim Chiu – ang Linlang, ang local adaptation ng Korean hit TV series na What’s Wrong with Secretary Kim at ang magtatapos this Friday, July 24, na The Alibi na lahat pinag­tambalan nila ni Kim.

Ang annual star-studded Seoul International Drama Awards ay nakatakdang mangyari sa buwan ng Oktubre in Seoul, Korea.

Romnick, libre na ulit pakasal

Naging madali ang relasyon ng magkasintahang Harlene Bautista at Federico Moreno–- ang kaisa-isang anak ng star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno dahil suportado ito ng kanilang respective children – lima kay Harlene at apat kay Federico.

Sa darating na Aug. 5, 2026 ay 6th anniversary ng relasyon nila na inaasahang magpapakasal kapag aprubado na ang annulment ng huli sa kanyang dating misis.

Si Harlene naman ay matagal nang annulled ang kasal sa kanyang dating mister na si Romnick Sarmenta na may bago nang partner ngayon, ang indie actress na si Barbara Ruaro kung kanino siya may isang anak na lalaki.

Kung nanaisin ng actor na si Romnick na pakasalan ang kanyang present partner na si Barbara ay hindi ito magkakaroon ng problema dahil malaya na siyang gawin ito.

“We’re like a big family kapag magkakasama kaming lahat,” natatawang pahayag ni Harlene nang makapanayam namin sila ni Fede­rico sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.

Nananatiling bukas ang komunikasyon ni Harlene sa kanyang dating mister na si Romnick dahil sa kanilang mga anak at sinusunod umano nila ang co-parenting although lahat ng mga ito ay nasa poder ng actress-producer.

Malaki rin ang naging papel ng nakatatandang kapatid ni Harlene na si Hero Bautista sa kanilang relasyon dahil close buddies sila ni Federico since their college days.

PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with