6 teams rambol sa SSL Collegiate National Invitationals opener
MANILA, Philippines — Ang Colegio de San Juan de Letran ang unang susukat sa bisitang Southern Storm Melbourne ng Australia sa paghataw ng 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.
Lalabanan ng Letran ang Southern Storm Melbourne sa unang laro sa ala-1 ng hapon kasunod ang bakbakan ng University of Santo Tomas at Enderun Colleges sa alas-3.
Sa huling laro sa alas-5 ng hapon magtutuos ang College of Saint Benilde at bisitang Ho Chi Minh City Volleyball Club ng Vietnam sa weeklong competition na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R and B Milk Tea.
Nagmula ang Lady Knights, lalaro na wala ang kanilang mga key veterans dahil sa injury, sa pagrereyna sa nakaraang NCAA Season 101.
Si Judiel Nitura, ang NCAA Season 101 Finals MVP, ang aasahan ng Letran sa pagkawala nina injured veterans Gia Maquillang (knee) at Vanessa Sarie (right shoulder).
“We want to see how our new players will perform and how we will play against foreign teams,” sabi ni Lady Knights coach Aleksi Lahteenmaki sa pagsukat nila sa matatangkad na Aussie spikers.
Ito rin ang tiningnan ni Lady Blazers head coach Jerry Yee sa kanilang pakikipagkita sa mga Vietnamese hitters sa torneong suportado rin ng Jetour, Baic, Eurotel, Victory Liner Rent & Go, F2 Logistics, Summit Natural Drinking Water, PusoP.com at Smart Sports.
“Sana makapag-compete tayo and sana maipakita natin ‘yung brand of volleyball natin going against foreign teams,” ani Yee.
- Latest

















