Walang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin - DTI
Kahit may tension ang US at Iran
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Sabado na wala pang inaasahang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at basic commodities sa kasalukuyan, sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
“For the increase, wala pa namang humihingi ng price increase sa atin. So for now there’s still no price increase”.
Sinabi ito ni Trade Secretary Cristina Roque sa isang ambush interview sa idinaraos na MSME Summit 2026 na pinangunahan ng GoNegosyo, sa pakikipagtulungan ng DTI.
Aniya, wala pang naghahain ng petisyon para sa price adjustments mula sa manufacturers.
Naitanong ito sa kalihim dahil sa potensyal na epekto sa mga presyo ng bilihin na idudulot ng inaasahang pagtaas muli ng presyo ng langis o mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
“It’s really best for us to just wait first,” aniya.
- Latest















