^

PSN Showbiz

OPM Con, pinatibay ang lakas ng local artists!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
OPM Con, pinatibay ang lakas ng local artists!
SB19
STAR/ File

Sa harap ng nag-uumapaw na manonood sa Big Dome, muling itinampok ng Puregold OPM Con Generations 2026 ang pinakama­laki at pinakamasiglang pagdiriwang ng Original Pilipino Music (OPM), tampok ang ilan sa mga malalaking local artist.

Idinaos noong Hulyo 11 sa Smart Araneta Coliseum, muling pinabilib ng OPM Con ang fans sa pambihirang concert ng pinagsama-samang pinakamahuhusay na  OPM, isang pagdiriwang na tanging Puregold lamang ang makapaghahatid.

Pinagsama nga rito ang mga haligi ng OPM at ang mga umuusbong na artist.

Sa harap ng libu-libong tagahanga na dumagsa sa Big Dome, nagsilbing pagpupugay ang OPM Con sa mga musikero, awitin at komunidad na patuloy na humuhubog sa awiting Tagalog sa iba’t ibang henerasyon.

“The Big Dome has long been a home to some of OPM’ s most iconic acts and unforgettable performances, and seeing it come alive once again for Filipino music is something Puregold will always be proud of),” sabi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc.

“OPM has the power to bring generations together. Puregold is deeply grateful to the artists, fans, communities, partners, and everyone who helped turn this vision into a true historical moment for OPM,” dagdag pa niya.

Pinangunahan ng SB19, Ben&Ben, Alamat,  Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA at XONARA ang nasabing concert, na nagpakita ng lawak at husay ng makabagong OPM.

Mula P-pop, folk-pop at alternative music hanggang hip-hop at contemporary pop, ipinamalas nila ang iba’t ibang tunog at istilo na sumasalamin sa kasiglahan ng industriya ng musikang Pilipino sa kasalukuyan.

At ipinakita ng napakalaking bilang ng mga dumalo ang pagtanggap ng publiko sa OPM Con ngayong taon, at muling pinagtibay ang mahalagang tungkulin ng OPM sa kulturang Pilipino at sa puso ng fans patuloy na sumusuporta rito.

Sa tatlong matagumpay na edisyon nito, patuloy na lumalago ang Puregold OPM Con kasabay ng industriya ng musikang Pilipinong buong pagmamalaki nitong sinusuportahan.

Sa paglipas ng mga taon, isa na ito sa mga pangunahing platapormang nag-uugnay sa mga musikero, tagahanga, at mga nagmamahal ng musika.

Habang patuloy na umuunlad ang musikang Pilipino, nananatiling nakatuon ang Puregold sa paglikha ng mga karanasang nagpapatibay sa ugnayang ito.

OPM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with