^

Bansa

NBI probe sa P10 bilyong SEA Games­project pinagdudahan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng ilang senator-judges ang timing sa balak ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa P10-bilyong sports complex sa New Clark City para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Giit nila, maaaring magkaroon ito ng “chilling effect” sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa ika-6 na araw ng paglilitis, kinuwestiyon ni Sen. Robin Padilla kung nagkataon lamang ba ang anunsyo ng NBI, matapos batikusin ni Sen. Alan Peter Cayetano si NBI Director Melvin Matibag dahil sa paghiling nitong ipagpaliban ang nakatakda niyang pagtestigo sa impeachment court.

Binanggit din ni Padilla ang mga nakaraang pangyayari na kinasasangkutan ng mga senator-judge, kabilang ang mga kasong isinampa laban kina Sens. Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, gayundin ang mga hakbang ng Ombudsman na may kaugnayan sa kanya at kay Cayetano.

Mariing itinanggi ni Cayetano na may anomalya sa proyekto ng PHISGOC na kanyang pinamunuan. Giit niya, hindi siya tutol sa imbestigasyon pero mali ang paraan at tiyempo ng NBI.

“If the intention was to have a chilling effect, we already have that chilling effect,” ani Cayetano.

Dagdag pa niya, unfair sa korte na mag-anunsyo ng imbestigasyon ilang araw bago siya magtestigo. Ipinaliwanag din niyang ang BCDA, hindi PHISGOC, ang namahala sa imprastraktura ng sports facilities.

Ipinagtanggol din ni Cayetano ang 2019 SEA Games, na aniya’y nagbigay ng world-class na pasilidad at karangalan sa bansa.

Nagpahayag din ng pangamba si Sen. Pia Cayetano, na tila pinipilit gipitin ang mga senator-judges. “There is no jurisdiction in the world that allows a judge to be pressured and intimidated,” aniya.

Kinuwestiyon niya kung bakit kaila­ngan pang ipahayag sa publiko ang imbestigasyon imbes na tahimik na isagawa.

NBI

SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with