Rob, inulit ang denial sa bullying ng anak

MANILA, Philippines — Muling pinabulaanan ng aktor na si Rob Sy ang isyu ng bullying na ibinibintang sa kanyang anak.
Kaugnay ito sa reklamong inihain ng mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine Espiritu na diumano’y nabu-bully ang kanilang anak.
Pagkatapos mag-post ni Rob Sy sa kanyang social media account, nag-post din kahapon si Alfred Vargas na patuloy nilang ipinaglalaban ang kasong ito para sa kanilang anak.
Dismayado siya sa pagkabasura ng isinampang reklamo, at pati ang Motion For Reconsideration.
Itutuloy pa rin daw nila ito para sa kanilang anak, dahil may sapat na ebidensya raw sila sa inihain nilang reklamo.
- Latest




















