^

Police Metro

Ama utas, anak sugatan sa riding-in-tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang ama habang sugatan ang 17-anyos nitong anak na lalaki nang sila ay ratratin ng motorcycle riding-in-tandem sa highway ng Brgy. Balao, Burauen, Leyte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawi sa pangalang alyas Rico, 40-anyos na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa Burauen District Hospital ang anak nito na si Yanyan.

Sa ulat ng Leyte Provincial Police Office (PP), bago nangyari ang krimen, alas-11:55 ng gabi noong Biyernes ay lulan ng behikulo ang mag-ama ga­ling sa isang pagtitipon sa Brgy. Balao pauwi sa kanilang tahanan sa Brgy. Paghudlan , Burauen nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem na mga salarin pagsapit sa lugar.

Ang mga suspect ay nakasuot ng kulay itim na jackets ay mabilis nagsitakas.

May natukoy ng persons of interest ang mga otoridad at sinisilip na motibo ay personal na galit.

RIDING-IN-TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with