Hulyo 11, 2026
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Deserve mo ang mag-relax bilang reward sa iyong sarili. Huwag pansinin ang mang-aasar. Iwasan ang argumento para hindi mapaaway o magkaroon ng kagalit. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 35, 41 at emerald green.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag patagalin ang bagay na gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 17, 32 at white.
VIRGO: (mAgo. 23-Set.23) – Tama ang desisyon na tawanan ang problema at hanapan ng solusyon sa mahinahong paraan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 26, 34 at milk white.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Magiging maganda ang epekto ng pakikipagsundo sa matagal nang nakagalit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 26, 29 at chinese blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang taglay na munting problema ay maaaring lumaki sa paglipas ng mga araw kung hindi susolusyunan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 30, 37 at jade green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Malalampasan mo ang anumang palakid sa tagumpay, kung hindi susuko. Ingatan ang health. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 28, 34 at green agate.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Matutukso ka sa panlabas na anyo ng isang opposite sex, subalit ang ugali naman ay taliwas sa inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 16, 25 at sky blue.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Upang manatili ang mataas na antas ng respeto at pagkatao, ipakita ang kabutihan at respeto sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 41 at lilac.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang talinong taglay ay pagkakakitaan ng husto kaysa kasalukuyang trabaho. Tatagan ang kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 9, 21, 35, 42 at silver.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Magiging produktibo ang araw kung gugustuhin. Kalimutan ang mga kapalpakang nagawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 23, 38, 39 at neon green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Sikaping mabuksan ang komunikasyon para sa kaibigan at may naghihintay na biyaya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 36, 41 at ocean blue.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Ipinapayong huwag muna mangutang dahil tiyak na mahihirapan ka makabayad. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 27, 36 at dirty white.
- Latest
















