^

Metro

Metro Manila nasa Blue Alert kay ‘Inday’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila nasa Blue Alert kay ‘Inday’
Ayon kay OCD-National Capital Region Director George Keyser, binuksan na ang Virtual Emergency Operations Center upang mapabilis ang koordinasyon ng ahensiya, habang mananatiling bukas ang Emergency Operations Center hanggang Sabado. Aniya, ang mga lokal na pamahalaan ang magsasagawa ng assessment sa sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan, habang nakapuwesto na rin ang emergency response equipment sa mga estratehikong lugar.
PAGASA

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa Blue Alert ng Office of Civil Defense (OCD) ang Metro Manila simula kahapon bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng southwest monsoon o habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday, na magdadala ng pag-ulan, pagbaha at malalakas na hangin sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay OCD-National Capital Region Director George Keyser, binuksan na ang Virtual Emergency Operations Center upang mapabilis ang koordinasyon ng ahensiya, habang mananatiling bukas ang Emergency Operations Center hanggang Sabado. Aniya, ang mga lokal na pamahalaan ang magsasagawa ng assessment sa sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan, habang nakapuwesto na rin ang emergency response equipment sa mga estratehikong lugar.

Samantala, inilagay na rin sa heightened alert ang lahat ng yunit ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR) Community Affairs Division Chief PCol. Jonathan Abella, Naka-standby na ang mga search and rescue team at naka-preposition ang rescue equipment at iba pang emergency assets sa mga lugar na mataas ang panganib.

Nanawagan din ang PNP sa publiko na sundin ang mga opisyal na advisory at evacuation order at iwasang bumiyahe sa mga lugar na maaaring bahain o magkaroon ng landslide habang umiiral ang masamang panahon.

Inaasahan ng PAGASA ang malalakas na pag-ulan mula Biyernes hanggang Sabado, na maaaring umabot sa 50 hanggang 100 milli­meters. Nagbabala ang mga awtoridad na maaari itong magdulot ng flash flood sa mga komunidad na madalas bahain.

Sa pinakahuling pagtaya ng weather bureau, nasa Signal No. 1 na ang 12 lugar sa Northern Luzon dahil sa Bagyong Inday. Inaasahang kikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa Philippine Sea at tatawid sa hilagang bahagi ng Luzon sa pagitan ng Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga bago tuluyang tumahak patungo sa katimugang bahagi ng Japan.

BLUE ALERT

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with