^

Punto Mo

EDITORYAL - Ang Senado bilang hukuman

Pang-masa

IKALAWANG araw na kahapon ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Nagsimula ito noong Lunes (Hulyo 6). Si Sen. Chiz Escudero ang napiling presiding officer. Pero bago iyon, kinuwestiyon ng ilang senador ang pagkakapili kay Escudero. Pero sa dakong huli nanaig ang nakararami at natuloy ang trial.

Ang paglilitis na dapat noon pa naisagawa ay seryosong pagsubok sa Senado, sa ebidensiya, at sa kakayahan ng mga institusyon na papanagutin ang makapangyarihan nang hindi isinasantabi ang pagi­ging patas o paerehas.

Mabigat ang mga paratang sa Vice President: maling paggamit ng confidential funds, unexplained wealth at isyu sa SALN, umano’y bribery at procurement irre­gularities sa DepEd, at umano’y pagbabanta laban kay President Bongbong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez. Dahil dito, natural lang na mataas ang interes ng publiko. Ngunit kailangang tandaan: hindi pa hatol ang impeachment complaint. Dapat patunayan ang mga inaakusa.

May karapatan si Sara sa abogado, sa depensa, at sa pagtutol sa ebidensiyang sa tingin ng kanyang kampo ay hindi dumaan sa tamang proseso. Hindi dapat ma-convict ang sinuman dahil lamang maingay ang opinyon ng publiko o galit ang kabilang panig. Pero hindi rin dapat gawing kalasag ang due process para umiwas sa mahihirap na tanong. Ang due process ay daan para lumabas ang katotohanan, hindi para takpan.

Kaya mabigat ang tungkulin ng prosecution. Hindi sapat ang press conference, banat, o sound bite. Kaila­ngan nilang ipakita ang malinaw na dokumento, matibay na testigo, at lohikal na koneksiyon ng ebidensiya sa bawat paratang. Mabigat din ang tungkulin ng defense. Kung sinasabing politically motivated ang kaso, ipakita kung bakit at sagutin ito sa tamang forum.

Pinakamahalaga, ang mga senador ay dapat kumilos bilang senator-judges, hindi kakampi, kaaway, o social media influencer. Dahil kailangan ng dalawang-katlong boto para ma-convict ang isang impeached official, bawat senador ay may mabigat na responsibilidad. Hindi ito entablado para magpasikat o maghanda para sa susunod na eleksyon. Dapat silang makinig, magtanong, at magdesisyon batay sa ebidensiya, batas, at konsensiya.

Hindi dapat gawing teleserye ang trial na ito. Hindi ito simpleng Marcos laban sa Duterte. Mas malaki ang isyu: public office is public trust. Kung may ebidensya, dapat may pananagutan. Kung kulang ang pruweba, dapat pairalin ang presumption of innocence. Tandaan na ang Senado ay hukuman, hindi entablado. Dapat lumabas ang katotohanan sa paraang patas at malinaw.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with