^

Punto Mo

Himala: Kapatid gumaling sa sakit (Part 10)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO po ito Mam?” tanong ko sa babae matapos iabot sa akin ang puting sobre.

Pero paglingon ko, wala na ang babae. Hinanap ko sa paligid pero hindi ko na nakita. Maaring nakapasok na sa bahay na hinahanap. Nagtaka ako sapagkat napakabilis namang nawala ng babae.

Itinago ko sa bulsa ang binigay na sobre. Hindi ko muna binuksan. Makapal ang sobre.

Ipinagpatuloy ko ang pag­lalakad patungo sa restaurant na aking pinagtatrabahuhan.

Pero hindi ako mapakali habang naglalakad. Naiisip ko ang sobre na ibinigay ng babae na tinulungan kong maghanap ng address kanina.

Kinuha ko sa bulsa ang sobre. Sinilip ko ang laman.

Hindi ako makapaniwala sa nakita sapagkat isang bundle ng pera—pawang P1,000 ang laman.

Nangatal ako. Nun lang ako nakakita ng ganun karaming pera!

Sino kaya ang babaing nagbigay sa akin ng pera?

Mayroon na akong ibi­bili ng gamot! Iyon ang na­isip ko.

Sa halip na magtungo sa restaurant, sa botika ako nagtungo. Mabibili ko na ang mga gamot ni Victor!

(Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with