^

Metro

Bigtime ‘tulak’, 3 pa timbog sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bigtime ‘tulak’, 3 pa timbog sa buy-bust
Kinilala ang principal suspect na si alyas “Wewel”, 46, na nakalista bilang HVI at ang kanyang mga kasabwat na sina alyas “JP”, 41; alyas “Azur”, 44; at alyas “Demonyo”, 36.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang isang lalaking itinuturing na high-value target individual (HVI) at tatlo niyang kasabwat sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police sa Brgy. Olympia, Makati City.

Kinilala ang principal suspect na si alyas “Wewel”, 46, na nakalista bilang HVI at ang kanyang mga kasabwat na sina alyas “JP”, 41; alyas “Azur”, 44; at alyas “Demonyo”, 36.

Kasalukuyan nang nakapiit at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos na makumpiskahan ng tinatayang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P408,000, buy-bust money na P500 at 15 pirasong tig-P500 na boodle money.

Batay sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi nang maaresto ng mga awtoridad ang mga suspek sa Zapote St., sa Brgy. Olympia.

Nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na tinarget sa operasyon.

Nang makabili ng P8,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek ay kaagad na silang dinakma ng mga awtoridad at binitbit sa presinto.

HVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with