^

Probinsiya

Sarangani niyanig ng 5.3 magnitude na lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Sarangani niyanig ng 5.3 magnitude na lindol
Sarangani Davao Occidental as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Balut Island sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol bandang alas-10:21 ng umaga na ang sentro nito ay naitala sa 38 kilometro ng timog kanluran ng Balut island.

Umaabot naman sa 10 kilometro ang lalim nang naganap na lindol na ang ugat ay tectonic.

Bunga nito, nakapagtala ng instrumental intensities na Intensity III sa Malapatan, Sarangani, Intensity II sa Kiamba at Malungon sa Sarangani; Tupi, T’Boli sa South Cotabato at Intensity I sa Maitum at Maasim (Sarangani) at General Santos City.

Wala naman naitalang pinsala at walang inaasahang aftershock sa naganap na lindol.

EARTHQAUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with