^

PSN Opinyon

One-year extension ni Gen. Marantan, history sa PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

GAGAWA ng history si PRO4-A director Brig. Gen. Hansel Marantan kapag natuloy ang napipintong one-year extension n’ya. Sumulat kasi si Interior Seretary Jonvic Remulla sa Napolcom at hinirit ang extension ni Marantan bunga sa kailangang-kailangan ng PNP ang “skill set” n’ya. Si Remulla ang nag-request, s’ya ang pag-aprub! Wow na wow!

Si Marantan ay magreretiro na sa Hulyo 10 matapos marating ang retirement age na 56. Ang hinihinging extension ni Marantan ay nagdulot ng alingasngas, hindi lang sa Camp Crame, kundi maging saang sulok man ng Pinas. Bago kasi sa pandinig ng mga pulis ang one year extension na hindi chief PNP, na kalimitan pinahaba lang ang ter­mino ng anim na buwan. Subalit ang extension ay nasa batas at si Marantan ang kauna-unahang makikinabang nito. Dipu­gaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Magiging bad precedent itong kaso ni Marantan kasi ang mangyayari n’yan ang mga opisyal ng PNP ay wala ng gagawin kundi magsipsip kay Remulla, o kung sino man ang papalit sa kanya. Sanamagan! Ang kinatakutan sa ngayon ay dahil kapag na-extend si Marantan, puwede na s’yang ma­giging hepe ng NCRPO, CIDG at puwede ring pumalit kay PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. sa Marso? Ipi­naliwanag naman ng kosa ko na hindi na mangyayari ‘yon dahil si Marantan ay deemed retired na at hindi na s’ya dapat ma-promote. Kaya sa buong araw na extended s’ya manatili na lang s’ya sa PRO4-A. Araguyyyyyy! Alam n’yo naman mga kosa na itong PRO4-A ay matawag nating “juicy position” kaya’t maraming naglalaway na mapunta dito. Kaya’t goodbye na lang sa nangangarap na papalitan si Marantan sa Hulyo 10. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

“There is a great merit in his service. We still need his specialized skill set for one more year,” ani Remulla. Ayon kay Boss Jonvic, ang extension is “to ensure continuity in the execution of critical and ongoing high-impact operations currently being spearheaded by General Marantan.” Sal-it!! Kung may special operations na iniatang si Boss Jonvic kay Marantan, wala bang ibang opisyal ng PNP na puwedeng makagawa nito? Ang special projects kaya ay tungkol sa 2028 elections kung saan tatakbong presidente si Remulla, kahit kulelat s’ya sa surveys? Brusko ang dating ni Boss Jonvic sa kapulisan subalit pagdating sa social media, puro batikos ang natatanggap n’ya.

Sinabi naman ni PNP spokesman Col. Allen Rae Co na unusual itong extension request para kay Marantan sabay sabing ang magandang liderato nito sa PRO4-A ay maaring naging dahilan para isulong ni Boss Jonvic ang pagpatuloy ng serbisyo n’ya.”Obviously he is the regional director of 4A and those operations that the good secretary is referring to are operational matters so we will not be able to discuss what these matters are by its very nature it’s high impact and confidential,” ani Co.

Ma-aprub kaya? Abangan!

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with