Konsehal sa Pangasinan dedo sa road mishap .
BAYAMBANG, Nueva Vizcaya , Philippines — Patay ang isang municipal councilor sa lalawigan ng Pangasinan matapos na masangkot sa aksidente sa San Carlos City nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Bayambang Councilor Jan Nazer David “Boying Kulas” Junio.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang vehicular accident sa provincial road ng Barangay Turac.
Nabatid na minamaneho ni Junio ang isang Toyota Avanza nang bumangga ito at matinding napinsala na ikinasugat ng una sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Unang isinugod si Junio sa Pangasinan Provincial Hospital bago siya inilipat sa Region 1 Medical Center, kung saan siya idineklarang patay habang nilalapatan ng lunas.
Inihayag naman ng mga mga lokal na opisyal na isang malaking kalawan sa kanilang bayan ang pagkasawi ni Junio dahil sa kanyang dedikasyon bilang Presiding Officer Pro Tempore ng Sangguniang Bayan at nagsilbi ring chairman ng Committee on Education.
- Latest


















