^

Bansa

Duterte suportado rally ng INC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagsasagawa ng kilos-protesta na pina­ngungunahan ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ang mensahe ni Duterte ay ipinarating ng kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte sa pakikipag-usap niya sa mga taga-suporta ng kanyang ama sa The Hague, Netherlands nitong nakaraang Hulyo 1, 2026.

Sinabi ni Veronica na maiksi lang ang pahayag ng kanyang ama na nagsabi umano ng “sa mga Pilipino, ipagpatuloy n’yo ‘yan. So, take it however you think it means.”

“Sa abuso nila sa atin, darating ‘yung panahon na mapupuno talaga ‘yung Pilipino. So, ipagpatuloy n’yo ‘yan. ‘Yun ‘yung sinabi ni PRRD,” ani Veronica.

Maging si Veronica ay nagbigay rin ng kanyang personal na mensahe na dapat ipaglaban ang Pilipinas at ang kapwa.

“In whatever way you can, to all the Filipinos, ipaglaban n’yo ang Pilipinas, ipaglaban n’yo ang kapwa natin. Kasi hindi sila titigil hanggang tayo na talaga ‘yung magtayo para sa sarili natin. Hopefully, everything is peaceful,” sabi ni Veronica.

Si Duterte ay nakatakdang litisin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa crimes against humanity.

IGLESIA NI CRISTO

RALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with