Baste, Leni, Robin nanguna sa Senate Survey
MANILA, Philippines — Tabla sa unang puwesto sina Baste Duterte, Leni Robredo, at Robin Padilla sa pinakabagong Senate election preference survey ng Arkipelago Analytics, matapos makakuha ng tig-48% voter preference.
Sumunod sina Vico Sotto at Loren Legarda na kapwa may 45%, habang sina Raffy Tulfo at Alan Peter Cayetano ay tig-42%. Pasok din sa top ten sina Pulong Duterte, Francis Escudero, at Mark Villar na may tig-39%.
Nakumpleto nina Dingdong Dantes at Grace Poe ang top 12 matapos makakuha ng tig-35%. Ilang kandidato naman gaya nina Jinggoy Estrada, Ben Tulfo, Nancy Binay, Joy Belmonte, at Vice Ganda ay nasa winning circle na may tig-33%.
Sumunod sina Jimmy Bondoc, Juan Edgardo “Sonny” Angara, at Manny Pacquiao, na tig-30% at nasa 18-20 ranggo.
Sina Rex Gatchalian at JV Ejercito ay kapwa nakakuha ng 28%; Rowena Guanzon, Mike Defensor, at Bong Revilla, 27%; Vince Dizon, Ralph Recto (24%), habang sina Benhur Abalos, Franklin Drilon, at Mar Roxas ay nakakuha ng 21 porsiyento.
Ang survey ay isinagawa mula Mayo 26 hanggang Hunyo 2, 2026 sa 2,637 respondents edad 18 pataas, gamit ang face-to-face interview.
- Latest

















