^

Probinsiya

2 preso nakapuga sa Cavite jail

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Dalawang preso ng Cavite Provincial Jail sa Trece Martires City ang nakatakas sa kanilang selda nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga pumuga na Persons Deprived of Liberty (PDL) na sina alyas “Darwin”, residente ng Kawit, Cavite at alyas “Leo”, ng Pasay City.

Ayon kay Provincial Warden Candelario Warllie R. Hermo, bandang alas-8:44 ng umaga ng Hunyo 27, nang maga­nap ang pagtakas ng dalawang PDL makaraang silang dumaan sa likod ng E-Hearing Room ng piitan.

Base sa kuha ng CCTV footage ng jail, huling­ nakitang naglalakad ang dalawang preso patungo sa kusina malapit sa E-Hearing Room bago tuluyang nawala.

Napag-alaman sa imbestigasyon na inak­yat ng dalawa ang kon­kretong pader at sinira ang mga nakalagay na barbed wire sa itaas bago tumalon at tulu­yang nakatakas.

Agad ikinasa ang malawakang manhunt operation ng Cavite Provincial Jail Reco­very Team laban sa mga pugante.

Nagsasagawa na ng backtracking at forward-tracking sa mga CCTV ang mga intelligence ope­rative ng pulisya upang matukoy ang tinahak na direksyon ng mga pugante.

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with