^

Police Metro

Lolong ‘General’ nagkasa ng baril, viral

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang nakatatandang lalaki na nagpakila­lang “General” ang viral ngayon sa social media matapos magkasa ng baril bago komprontahin ang isang driver na iligal umanong pumarada ng sasakyan sa kanyang lugar, sa Mandaluyong City.

 Ayon sa Mandalu­yong Police, iniimbestigahan nila ang insidente na naganap sa kanilang hurisdiksyon,

Napanood na umano ang nasabing insidente sa video kaya’t iniimbestigahan na ito at nanga­ngalap ng mga nakasaksi. Gayunman, wala pang lumulutang sa Mandaluyong City Police Station para magsampa ng reklamo.

Batay umano sa vi­deo footage, ang ­lalaki na nagpakilalang “Ge­neral” ay galit na nakatingin sa sasakyan at driver, habang nasa kabilang side ng kalsada, at bago tumawid ay kita ang pagkakasa niya ng baril.

Nagmura pa umano ang lalaki sa driver dahil nangangatwiran ang huli at sinasabing itinutok ang baril.

Naglabas naman ng komento sa social media si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) head ng Special Operations Group, Gabriel Go, na nagsabing kung totoong heneral ang lalaki, hindi umano dapat magkasa ng baril kahit pa naka-illegal parking ang driver at dapat na mas responsible siya sa pagkakaroon ng baril na hindi dapat ipanakot.

NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with