^

Pang Movies

Piolo, naka-omad na forever

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Piolo, naka-omad na forever
Piolo Pascual

More than a decade na rin palang one meal a day (OMAD) si Piolo Pascual.

At ito ang rason kaya hindi siya kahit kailan tumaba. At sa edad niyang 49, endorser pa siya ng underwear.

Na kahit gusto raw niyang kumain ng more than one meal ay nasa sistema na niya ang OMAD ayon mismo kay Piolo nang tanungin ko kung ba’t ba hindi siya ever nagkalaman katulad sa mga kaedad niyang actor.

Kabilang si Piolo sa maraming celebrity na na­ging guest sa isang masaya, makabuluhan at naiibang edisyon ng Inasal Nights ng JT’s Manukan Grille kasabay ng 65th birthday celebration ng award-winning actor na si Joel Torre.

Kasama niyang dumating nong Biyernes ng gabi sa JT’s Manukan Grille Parqal ang anak na si Inigo Pascual na naaksidente sa isang mall tour nang tumalon sa stage last week.

Nang kumustahin ko si Inigo ay masakit pa raw, pero that night ay may suot siyang Aircast boot na aniya ‘pag may suot siyang ganun ay ok ang pakiramdam niya at nakakalakad siya.

Nagtamo siya ng pinsala sa tuhod matapos tumalon mula sa stage para sana lumapit sa audience sa isang mall show habang pino-promote ang kanyang pelikulang Drags to Riches.

Sa ngayon ay abala si Inigo sa taping ng local adaptation ng Korean drama na A Good Doctor na mapapanood sa TV5.

Co-producer dito ang kum­panya ng amang si Piolo kaya naman hands-on daw talaga ang actor sa ginagawa ng anak.

Sa kasalukuyan ay pa-travel-travel sila ng anak na si Inigo. Nag-concert sila sa California at Australia.

Sa Manila’s Fi­nest at Meet, Greet & Bye hu­ling napanood si Piolo at ilang beses na niyang nabanggit na umiiwas na siyang gumawa ng mga nagawa na niyang role pero nagbabasa-basa raw siya sa kasalukuyan ng mga script.

Jericho, may nilinaw tungkol sa kapatid na nawala

Ahh nahanap na pala ng kanilang pamilya ang nakababatang kapatid ni Jericho Rosales.

Ang actor na ang nagsabi na hindi naman pala nawawala ang kanyang kapatid.

“Kumusta sa lahat. Salamat sa inyong pag-aalala. Si Jeremiah, ang aking kapatid, ay hindi nawawala. Ligtas siya at kasama na ng aming pamilya sa probinsya. Pagpalain nawa kayong lahat ng Diyos,” sabi sa isang official Facebook post ni Jericho.

Ilang araw na ang nakaraan nang kumalat ang isang post ng Facebook page ni Jhen Go, asawa raw ng kapatid ni Echo na si Jeremiah Rosales. Humingi siya ng tulong sa publiko para mahanap ang kanyang asawa na nawawala raw sa kanilang bahay sa Antipolo City simula noong Hunyo 20.

Pero mabilis naman itong nilinaw ni Jericho na malapit nang mapanood sa seryeng The Loyalty Game na pinagbibidahan nila ng karelasyong si Janine Gutierrez.

Magkakaroon ito ng advance screening bukas sa Monday na gaganapin sa Trinoma.

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with