^

Police Metro

Lady meat trader itinumba ng tandem

Arnell Ozaeta, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 53-anyos na negos­yanteng ginang nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa harap ng kanyang tindahan nitong Miyerkules ng umaga sa Barangay San Roque, Sto. Tomas City, Batangas.

Ang biktimang nasawi ay kinilalang si Evelyn, biyuda at residente ng Barangay San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:00 ng madaling-araw nang huminto sa harap ng kanilang meat shop ang dalawang lala­king suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima.

Sa salaysay ng live-in partner ng biktima, agad na tumakas ang mga suspek patungong Barangay San Miguel matapos isagawa ang pamamaril.

Nagsagawa na ng dragnet operation ang mga intelligence opera­tive at imbestigador, kabilang ang pagsusuri sa mga kuha ng CCTV sa lugar at mga karatig na lugar, gayundin ang follow-up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with