^

Police Metro

Grade 9, sinapak ng brass knuckle ng estudyante

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Grade 9 student ang nawalan ng malay tao matapos na siya ay sapakin ng isang estudyante gamit ng brass knuckles habang nag-aabang ng sasakyan pauwi sa kanilang bahay sa Sta. Barbara, Iloilo.

Ang biktima ay tinukoy sa pangalang Nonoy, 14-anyos at estudyante ng Sta. Barbara National Comprehensive High School na putok ang labi at duguan ang ulo nang isugod sa pagamutan ng mga sumaklolong bystanders.

Sa naantalang ulat ng Iloilo Police, nangyari ang insidente noon pang Hunyo 19, alas-11 ng tanghali na hindi agad nai-report sa mga otoridad ng pamilya ng biktima dahilan inuna muna itong madala sa pagamutan.

Ang suspect ay isang 17-anyos na estudyante na nasakote at sinabing napag-utusan lamang umano siya ng kaibigan niyang isa ring mag-aaral na iganti siya kay Nonoy dahilan binully umano siya nito.

Nang tanungin naman si Nonoy kung nam-bully ito ay sinabi niyang binuksan ng makulit na estudyante ang kaniyang bag at kinuha ang kaniyang pabango na sinabi nitong mabaho umano kaya naisalya niya ito sa paki?iaalam sa kaniyang bag.

Determinado naman ang mga magulang ni Nonoy na sampahan ng kaso ang estudyanteng nanakit dito.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with