^

PM Sports

Jordon Varnado ipaparada ng Bolts sa Governors’ Cup

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Meralco ang bagong mukhang si Jordon Varnado para sa darating na PBA Season 50 Governors’ Cup sa susunod na buwan.

Hindi na bago ang 29-anyos na si Varnado na naglaro sa Bolts sa nakaraang Basketball Champions League Asia kung saan niya natulungan ang tropa ni coach Luigi Trillo na makapasok sa quarterfinals.

Sa kanya lamang tatlong laro sa Meralco ay nagposte si Varnado ng mga averages na 19.7 points, 10.0 rebounds at 3.3 assists.

Sumalang din si Varnado sa Bnei Penlink Herzliya sa Israeli Basketball Premier League.

Kumpiyansa ang Bolts na matutulungan sila ni Varnado na makapasok muli sa semifinals ng PBA Governors’ Cup matapos sa nakaraang Commissioner’s Cup kung saan sila sinibak ng TNT Tropang 5G.

Muling maglalaro sa season-ending conference sina resident import Justin Brownlee ng Barangay Ginebra, George King ng San Miguel, Aaron Fuller ng Rain or Shine at DeQuan Jones ng NLEX.

Bagong salta sina KJ Buffen ng Magnolia, BJ Johnson ng Phoenix at Kentrell Barkley ng Blackwater

Si Darius Days, isang undrafted player noong 2022 NBA Draft, ang tinapik ng TNT Tropang 5G para sa pagdedepensa ng kanilang korona.

Didribol ang PBA Governor’’s Cup sa Hulyo 10 tampok ang pagbabalik ng guest team Macau Black Knights.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with