^

Metro

DA pinawawasak mga imported na sibuyas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DA pinawawasak mga imported na sibuyas
Ang pagwasak ay kasunod ng lumabas na resulta ng laboratory tests na kumpirmadong masama sa kalusugan ng mamamayan ang mga sibuyas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inutos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel ang pagwasak sa isang malaking shipment ng mga imported na sibuyas na inabandona ng importer nito sa Manila International Container Port (MICP).

Ang pagwasak ay kasunod ng lumabas na resulta ng laboratory tests na kumpirmadong masama sa kalusugan ng mamamayan ang mga sibuyas.

Una nang nairekomenda ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang pagwasak sa mga abandonadong sibuyas dahil nagsisimula na itong masira.

Ang naturang shipment ay kinabibilangan ng 26 na 20-foot containers ng kulay pulang sibuyas mula China na may kabuuang 72,215 bags o nasa 650 metric tons na may halagang P86.7 milyon.

Nabatid na may P9.7 milyong unpaid duties at taxes ang nasabig shipment. Bahagi ng imports ay dumating sa bansa sa pagitan ng Disyembre 2025 at Enero 2026 na basta na lamang iniwan ng importer nito sa MICP sa hindi malamang kadahilanan.

MICP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with