^

PM Sports

Serbian spikers pinagulong mga Dominicans

Elech Dawa - Pang-masa
Serbian spikers pinagulong mga Dominicans
Hinatawan niAnja Zubic ng Serbia si Geraldine Gonzalez ng Dominican Republic.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Napigil ng Serbian mga spikers ang pagduru­go ng ka­nilang koponan ma­tapos pagulungin sa tatlong sets ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, sa Philippine Leg ng Volleyball Nations League (VNL) women’s week 2 na inilaro sa PhilSports Arena sa Pasig Ci­ty kahapon. 

Nagliyab sa opensa ang 21-anyos na si Anja Zu­bic para tulungan ang Serbia na tuldukan ang limang sunod na kabiguan.

Nakatuwang ni Zubic sa pag-atake sa kaagahan ng laro si Nina Cajic para maakbayan ang Serbia sa panalo at ilista ang 2-5 karta sa event na ini­hahandog ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio.

Bago ang panalo ay na­katikim muna ng dalawang sunod na five-set losses ang Serbia sa mga kamay ng World No. 5 Japan at top-ranked Italy.

Inirehistro ni Zubic ang 15 points mula sa 12 attacks, dalawang blocks at isang service ace, habang bumakas si Cajic ng 12 markers kasama ang 10 kills at dalawang blocks para sa World No. 10 na Serbia.

Ang top eight teams pagkatapos ng three-week nine-leg preliminary stage ang uusad sa final round sa Macau.

May 5-0 record ang Ja­pan na isa sa anim na bansang pumapalo sa Pa­sig City leg.

VOLLEYBALL NATIONS LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with