^

Police Metro

7 Grade 5, inatado nang saksak ng babaeng Grade 8

Cristina Timbang - Pang-masa
7 Grade 5, inatado nang saksak ng babaeng Grade 8
Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng silid aralan ng mga biktima na nasa ground floor.
File

Sa loob ng silid-aralan…

MANILA, Philippines — Pitong Grade 5 student ang pinagsaksaksak ng kutsilyo ng isang babaeng Grade 8 student sa loob ng kanilang silid-aralan ng Bethel Academy School sa Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias City, Cavite, kahapon.

Dalawa sa pitong estudyante na sinaksak ay nasa kritikal na kondisyon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng silid aralan ng mga biktima na nasa ground floor.

Walang sabi-sabi na biglang pumasok sa kanilang silid ang 14-anyos na babae na Grade 8 student na armado ng patalim at sinugod ang mga biktima at pinagsasaksak.

Ayon sa isang guro na nakasaksi sa insidente, dumating umano ang suspek at pumasok sa kanilang silid-aralan sa 2nd floor na inilapag lamang ang bag nito at mabilis bumaba sa ground floor at pinuntahan ang silid aralan ng mga biktima na kung saan isinagawa ang pananaksak.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang mga biktima at kasalukuyang inoobserbahan.

Isa sa sinisilip ng pulisya na motibo ng pananaksak ay pag-bu-bully umano ng mga biktima sa suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with