Lea, sumakses sa fangirl moment sa BTS!

Tagumpay na fangirl moment ang naranasan ni Lea Salonga matapos niyang mapanood ang Busan leg ng Arirang concert ng BTS nitong Biyernes, June 12.
Ibinahagi ng Broadway icon sa kanyang Instagram Stories ang larawan mula sa naturang event.
“Feet hurt... legs are rubbery... but boy what a day! Seeing [BTS] in Busan was worth it!” she wrote.
On her Instagram page, pinost ni Lea ang na hawak niya ang BTS official light stick inside the Busan Asiad Main Stadium.
“Plenty to unpack… but here’s this for now. Happy Festa!!!” caption pa niya.
Inamin ni Lea na ang BTS ang naging saviour ng mental health niya during the COVID-19 pandemic.
“2020. COVID, and everybody’s stuck at home. I don’t know, I was just going through quite a bit in my life. The isolation, even though my friends and I were making an effort to stay in touch with each other. Watching my kid navigate that kind of isolation from friends — that’s a big ask of somebody that young and impressionable and vulnerable,” pag-amin ng Tony Award winner.
As a fellow artist, Lea expressed her admiration sa artistry ng BTS.
“I have such great respect for them as songwriters, as performers, as musicians, just as artists, and discovering who writes so much of their material. Just how they relate to one another and how they are with their fans.”
Allen, ‘ Di makalimutan ang pagiging loyal ni Sofia
Inamin ni Allen Ansay na naantig siya nang panindigan ni Sofia Pablo ang katapatan nito sa kanya habang nasa loob ito ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Tinanong si Allen kung ano ang naging reaksyon niya nang mapanood ang sitwasyon nina Sofia at Kapamilya actor na si Iñigo Jose sa loob ng Bahay ni Kuya.
“Kasi before pa talaga pumasok si Aki po sa PBB, sinabi ko na sa kanya na malaking risk ito. Puwedeng mawala na ‘yung love team natin. May mga ma-love team sa’yo. Kaya sabi ko sa kanya na kung may magustuhan ka do’n, kung may love team sa ‘yo, hindi kita masisisi,” sey ni Allen.
Wala naman daw na binigay na restrictions si Allen. Lahat daw ay desisyon ni Sofia.
“Sobrang nagulat ako na hanggang sa loob talaga, pinaglaban niya ako. And nung araw na ‘yun, talagang naiyak ako eh, kasi sabi ko, grabe talaga si Aki. Hindi naman kami, pero ‘yung assurance na binigay niya sa akin habang nasa labas, sobra-sobra!”
Naging emosyonal si Sofia sa kalagitnaan ng season nang sariwain ang pangako niya kay Allen. Ito’y matapos ipagtapat ni Iñigo na may gusto siya kay Sofia, ngunit nawalan ito ng interes dahil hindi raw siya aktibo sa pisikal na gawain.
Nilinaw ni Sofia kay Iñigo na karelasyon niya si Allen at ayaw niyang maiugnay sa ibang housemate upang hindi masaktan si Allen at ang kanilang mga tagahanga.
- Latest





















