^

Metro

QCPD tugis ang babaeng nanaksak ng pasahero

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng manhunt ope­ration ang Quezon City Police District (QCPD) laban sa isang babae na nanaksak ng 24-anyos na pasahero sa loob ng jeep sa Quezon City.

Sa ulat kay QCPD Director PBGen Randy Glenn Silvio, alas-7:30 ng umaga noong Hunyo 9 nang sumakay ang biktima sa jeep sa kahabaan ng Marcos Highway sa Pasig City at kalaunan ay nakatulog habang nasa biyahe.

Habang binabagtas ng jeep ang Aurora Boulevard, ay bigla na lamang sinaksak ng suspek na nakasuot ng face mask, dilaw na sando, maong pantalon, puting rubber shoes, at may bitbit na backpack, ang pasahero saka tumalon sa sasakyan at tumakas.

Nagtamo ng mga sugat sa kaliwang hita at kaliwang braso ang biktima  na isinugod sa Rizal Medical Center, kung saan nasa maayos na itong kalagayan.

Sinusuri na ng mga awtotidad ang mga CCTV sa lugar para matukoy at mahanap ang suspek.

“We urge the public to report any information that may lead to the suspect’s identification to the nearest police station or dial E911/QC Helpline 122. Ang inyong impormasyon ay malaking tulong upang agad nating matukoy at maaresto ang suspek,” pahayag ng QCPD chief.

SAKSAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with