^

PSN Palaro

Alas Women ‘di kinaya South Korea

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Alas Women ‘di kinaya South Korea
Pinaluan ni Alyssa Solomon ng Alas Pilipinas si Sowhi Kang ng Korea sa AVC Women’s Cup.
Russell Palma

CANDON CITY, Ilocos Sur, Philippines — Hindi nakayanan ng Alas Pilipinas ang tikas ng South Korea kaya naman yumuko sila sa tatlong sets, 16-25, 18-25, 22-25, sa 2026 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup na nilaro sa Candon Arena kahapon.

Dinomina ng South Korea ang unang dalawang set subalit hindi basta nagpadaig ang Alas Pilipinas, lumaban sila ng sabayan upang pahirapan ang kalaban bago tumukod sa   dulo ng bakbakan.

Hinawakan pa ng Alas Pilipinas ang 3-point lead, 19-16 sa third frame nang magsanib puwersa sina Ara Galang, Nina Ytang at Thea Gagate subalit nanatili ang tikas ng South Korea na pinangungunahan ni Sowhi Kang at nakuha nila ang panalo.

Tumikada si Gagate ng siyam na puntos mula sa limang attacks, tatlong blocks at isang service ace habang walo ang kinana ni Ytang sa tournament na suportado ng Philippine Sports Commission, FIVB, Volleyball World, AVC, POC at Candon City sa pamumuno ni Mayor Eric D. Singson.

Tig-seven points naman ang binakas nina Alyssa Valdez at Alyssa Solomon habang tig-apat ang tinikada nina Ces Molina at Galang para sa Alas Pilipinas na nalasap ang pangalawang talo sa apat na salang sa Pool A.

Nanghinayang si Ga­lang dahil maganda ang kanilang nilaro, kinapos lang pero sa kabuuan ay masaya pa rin siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na lumaro para sa Pilipinas.

“Sayang, maganda na­man ang nilaro namin nakipagsabayan kami nakadikit kami,” ani Galang na unang beses pa lang niya na naglaro sa national team.

Dahil sa talo ay nala­gay sa alanganin ang Alas Pilipinas na makausad sa semifinals kung saan ay ang top two teams sa Pool A at B ang makakapasok.

Pinamunuan ni Sowhi ang puntusan para sa South Korea, tumipa ito ng 19 markers kasama ang 15 kills, tatlong service aces at isang block.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with