Pacquiao, may hahawakang posisyon sa gobyerno!

Totoo ba
Babalik diumano kaagad ng bansa si former senator Manny Pacquiao pagkakasal ng anak nilang si Jimuel sa June 12 dahil binigyan diumano ng posisyon ng Malacañang ang boxing champion na tumakbo ring pangulo noong nakaraang eleksyon.
May binanggit na posisyon ang isang source, pero hangga’t hindi nag-o-oathtaking, hindi makukumpirma.
Anyway, enjoy na enjoy si Manny na mag-alaga ng kanyang apo.
Pero tuloy rin daw ang laban nito sa September kay Floyd Mayweather Jr. at baka raw dito na ito mag-ensayo pagkatapos niyang mag-oathtaking.
- Latest





















