^

Pang Movies

Gina, tinuruang maging maka-diyos si Direk Darryl!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Gina, tinuruang maging maka-diyos si Direk Darryl!
Gina Alajar.
STAR/ Filr

Aminado ang dating child star and award-winning actress and TV director Gina Alajar na 17 years old lang siya nang ipagbuntis ang panganay na anak na si Ryan Eigenmann.

Nagpakasal naman sila ng actor na si Michael de Mesa nung 1978, barely three years pa lamang noon sa showbiz ang award-winning actor.

Nagsama sila bilang mag-asawa sa loob ng 23 years kung saan nabiyayaan sila ng dalawa pang anak na parehong lalake, sina Geoff at AJ Eigenmann. Pero tulad ng ibang showbiz couples, nagkahiwalay ang mag-asawa nung 2001 at na-annul nung 2006.

Nung September 2011, muling nag-asawa si Michael kay Julie Reyes, ang dancer-choreographer at dating miyembro ng Hotlegs.

Sa kabila ng paghihiwalay ng dating mag-asawa, naiwan kay Gina ang kanilang tatlong anak na never nawala ang respeto ng mga bata sa kanilang ama kahit hiwalay na sila.

Ang tatlo ay pare-parehong sumunod sa yapak nila. Pero si AJ ang unang umayaw at nagdesisyon na sa Amerika na maghanap-buhay. Nagkaroon umano ito ng identity crisis dahil naging in-demand si Geoff magmula nang lumabas ito sa isang sikat na TV commercial.

Nasa Amerika noon ang kaibigan ni Gina na si Anna Marin kaya doon muna niya pinatira si AJ hanggang nakayanan na nitong bumukod.

Si AJ ay may asawa na ngayon at may dalawang anak at nagtatrabaho bilang veterinary technician habang parehong aktibo pa rin sa showbiz sina Ryan at Geoff na may kani-kanya na ring pamilya at mga anak. Parehong tig-tatlo ang apo nina Gina at Michael sa dalawa kaya meron na silang walong apo – four boys and four girls.

Although it was a bad separation sa pagitan nina Gina at Michael, magkaibigan na ngayon ang dating mag-asawa habang civil naman sa isa’t isa ang wife ngayon ni Michael na si Julie at Gina.

“We’re okay,” diin ni Gina nang ito’y aming makapanayam sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.

Katunayan, walang magiging problema kay Gina na makatrabahong muli ang dating mister.

Samantala, inamin din sa amin ng actress-director na sobra umano siyang na-bash nang gawin niya ang controversial movie na The Rapists of Pepsi Paloma na hindi na naipalabas mula sa panulat at direksiyon ng controversial director na si Darryl Yap na hanggang ngayon ay hindi pa naipapalabas. During the presscon ng comedy-drama na Love, Ngo kung saan kasama si Gina at muling sinulat at pinamahalaan ni Direk Darryl, marami ang nagulat sa writer-director na tila nag-mellow na ito at binibigyan niya ng kredito si Gina na matiyaga sa pagbabahagi sa kanya ng mga salita ng Diyos.

GINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with