Direk Lino Cayetano, bagong boss ng PTV-4!

Formal nang ini-announce ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment kay former Taguig mayor Lino Cayetano bilang bagong boss ng government-owned station PTV-4.
Si Direk Lino ang bunsong kapatid nina Senate President Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano.
Sa mga biruan, si Direk Lino ang sinasabing ‘the good one’ sa mga Cayetano dahil sa mga kontrobersiya sa senado na ‘kinasasangkutan’ ng kanyang mga kapatid.
Isa rin siya sa mga may-ari ng Rein Entertainment na producer ng malapit nang mapanood na series na Drug War: A Conspiracy of Silence.
Executive produced ito ng Emmy Award-winning KC Global Media, sa pakikipagtulungan ng Asian Academy Creative Award-winning production company na Rein Entertainment, ang nasa likod ng award-winning series na Bagman.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang statement na inilalabas si Direk Lino.
Or aware kaya si Direk Lino na ini-appoint siya?
Ang TV executive na si Malou Choa Fagar ang pinalitan niya na wala diumanong malay na wala na siyang trabaho.
- Latest























